Rock-a-bye, Child


"Batang-bata ka pa at marami ka pangKailangang malaman at intindihin sa mundoYan ang totooNagkakamali ka kung akala mo na ang buhayAy isang mumunting paraiso lamang"

Ayan ang isa sa mga lyrics ng "Batang-bata ka pa" ng Apo Hiking Society na kung saan ay nagsasabi na ang bata o ang musmos ay marami pang kailangang malaman at intindihin, na hindi lamang isang napakaganda ang lugar na kinatatayuan nito. 

Sa kasalukuyang panahon, ang Kongreso ay nagbabalak na ibaba ang kriminalidad sa taon na 9 upang sila ay mahatulan sa kanilang nagawang krimen. Ngunit, nararapat ba ito para sa kanila? Ito ba ay nakabubuti?

Ayon sa isang psychologist ng Psychological Association of the Philippines (PAP), ang isang bata na sa edad na 9 na taon hanggang 15 taon ay hindi pa nahuhubog ang pag-iisip upang umaksyon sa tama at mali, at magkaroon ng maayos at matiwasay na pagde-desisyon. Ibig sabihin, ang isang bata na kakasuhan at ikukulong ay maaaring hindi nila alam ang kanilang ginagawa o kaya nama'y nautusan na ginawa ito. Isa pang rason, ito ay napaka-anti poor dahil karamihan sa nakagagawa ng ganoong krimen ay ang mga nasa laylayan. 

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit sagot ba ito tungo sa maunlad at magandang Pilipinas? Hindi. Isang malaking dahilan ang kahirapan kung bakit ito patuloy na nangyayari sa ating bansa. Dahil sa hindi maayos na aksyon ng gobyerno upang matulungan ang mga nasa laylayan o ang kakulangan ng oportunidad, lalo na't mas tumaas na ang mga bilihin sa ngayon, ano pa at paano na makakukuha ng pambili ang mga tao? 

Kahit kailan ay hindi naging tamang solusyon ang pagkukulong sa mga musmos. Tayo ay laging nililihis sa kaalaman at katotohanan. 

Sa isang installation na ito, napakarami nating maiisip at masasabi. Ngunit ito muna ang aking mga gustong sabihin at aking napuna o gustong maipaalam. Isang napakahusay na obra na gawa ng ating mga kabataan dahil kailangan nating maging mulat sa lahat ng isyu dahil tayo rin ang naaapektuhan.

Tayo ay mga bata pa lamang na marami pang kailangang malaman. Hindi nararapat na iniaalis sa atin ang ating mga karapatan. 

#childrennotcriminals

Comments