Ang sining ay isang likha na kung saan ay nagiging salamin ng kasalukuyang pangyayari ng ating buhay. Isa itong instrumento upang maipalaganap o maipaalam sa ating mga kababayan o kapwa ang gusto nating maiparating at maibahaging kaalaman patungkol sa isang bagay pati na rin sa ating kinagisnan. Sa kasalukuyan, ang mga nilikhang sining ay paunti-unting nawawalan ng saysay at halaga. Sa kadahilanang ito ay isa na lamang palamuti sa bahay, sa eskwelahan at iba pa.
Paano nga ba natin maipanunumbalik ang pagpapahalaga sa mga likhang sining ng Pilipinas? At paano ba natin ito maiintindihan at masasabing ito ay isang napakagandang likha?
Ang kagandahan ng isang likhang sining ay nag-iiba kada tao at sa pagkakaintindi niya rito. Hindi lamang ito tinitignan sa mga kurba o mga linya na nakikita ng ating mga mata, at ayon sa isang Art Historian ni si Alice Guillermo, sa kanyang akdang "Philippine Contemporary Aesthetics," napakahalagang pag-aralan nang maigi ang isang sining at ang kagandahan ng sining ay hindi basta lamang binabatay sa mga guhit nito.
Ayon sa kanya, ang sining ay kaakibat ng kultura at lipunan kung saan, ito ang humuhulma at pinagbabatayan upang mabuo ang isang sining. Ang bawat kultura ay may kaniya-kaniyang mga pamantayan. Ang sining din ay isang instrumento upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang isang bansa. Katulad na lamang sa Pilipinas, tayo ay nasakop nang matagal ng iba't ibang bansa katulad ng Espanya at Estados Unidos kung gayon, nabago ang ating paraan o aesthetic sa sining. Sinasabi ni Alice Guillermo na mayroon tayong dapat isaalang-alang upang mapag-aralan ang aesthetic at ayun ay ang mga: 1) Papel ng Tradisyon; 2) Kasangkapan; at 3) Nilalaman, Paksa at Kahulugan.
Ang pagtingin o pag-appreciate sa isang sining ay hindi lamang nakatuon sa panlabas na kaanyuan nito. Bawat piraso ng sining ay may kasaysayan. Maaaring ito ay nagawa dahil sa pakikipaglaban nila sa mga mananakop, o dahil sa mapanirang sistema ng gobyerno. Ito ang naging paraan nila upang maipakita kaninuman ang kanilang kalagayan.
Dahil ang sining ay bahagi ng ating buhay at ng ating pamayananan. Nararapat itong ipreserba hindi sa ganda nito sa ating mga mata, kundi dahil sa kasaysayan nito at ang paghihirap na tinamo ng ating mga katutubong kababayan.
Mas makabuluhan ang pagiintindi ng isang likhang sining kung ito ay inaalam ang naging dahilan kung bakit ito nagawa dahil ang sining ay hindi maihihiwalay sa ating kasaysayan at lipunan na kinagisnan.

Comments
Post a Comment